Thursday, January 30, 2020

Essence of Family Day

  

          Sabi nila na nabubuhay tayo sa mundo dahil may misyon tayong kailangang matapos. Ngunit hindi tayo nabubuhay nmg mag-isa. May mga taong tutulong sa iyong landas at mag huhulma sa iyong kinabukasan. Sila ay ang ating mga pamilya. Sila na ay nandiyan simula pa ng pagmulat ng ating mga mata. Handa silang umagapay sa ating at gabayan tayo anuman ang mangyari. Sila ay ang klase ng mga taong nagbibigay ng pagmamahal na walang kondisyon. Kahit gaano pa man ka lupit ang mundo sila lang ang taong maaasahan mo dito sa mundong napakalupit. Kapat tayo ay mayroong problema o dinadamdam sila ang una nating tinatawag. Pero pag sila na ang mayroong kailangan, napipilitan pa tayo. Bakit kaya? Tayo ba ay kampante na palagi lang sila nandiyan sa ating tabi? 

          Dapat nga magpasalamat tayo sapagkat hindi lahat ng tao ay biniyaan ng pamilyang maayos ang estado. Pero, ano ang ginagawa natin? Ibinabaliwala ang mga pagkakataon na sila ay nandito pa sa mundo. Ibinabaliwala ang mga pagkakataon na gusto ka makapiling dahil ang pansin mo ay nakatuon sa mga bagay na walang dahilan at nagbibigay lamang ng kasiyahang pansamantala habang ibinabaliwa ang mga taong nagbibigay ng pagmamahal na panghabang buhay.



          Habang tayo ay lumalaki at nakikipagsalamuha sa mga tao, hindi maiiwasan na makakakita tayo ng gma taong naiituring nating pangalwang pamilya. Hindi naman ibig sabihin na ang pamilya ay dapat magkadugo lamang sapagkat ang pagiging isang pamilya ay wala ito sa dugo kung 'di sa puso. Pero may mga pagkakataon kung saan ikaw ay nahuhulog sa mga maling kamay na itinuturing mong pamilya, ngunit walang pakialam sa iyo. At pagdating sa panahong iyong ang ating pamilya lang ang tutulong at aagap sa ating tumayo muli. 

            Minsan, tayo talaga ay nagiging malapit sa mga taong kasing edad natin dahil naiintindihan nila ang ating naramamdaman. At walang magulang ang gustong makita ang kanilang mga anak na nag-iisasa buhay na 'to. Pero, hindi lahat ng tao ay may magandang intensiyon. Dahil ang mga tao ay na huhulma base sa mga naransan nila sa buhay. Pero kahit ganoon paman, ang pagmamahal sa kanila ay tutulong sa mga nararamdaman nila dahil walang sugat and hindi humihilom pero ang saklap dito ay mayroong mga pilat ng kapaitan ang mananatili.
  
    

         Kahit may mga pamilya tayo, minsan ay hindi na tayo nakakapag-bonding sa kanila dahil sa mga trabaho nila. Ang Family Day ng isang eskwelahan ay nakakutlong sa mga magulang na makakabuhos ng oras at atensyon sa mga anak nila. Hindi ibig-sabihin na nakatira kayo sa isang bahay ay nakakasalamuha na kayo ng araw-araw. Kaya ang mga kaganapan na katulad nito ay nakakutulong sa lahat na magsaya kasama ng ibang tao sa paaralan.

         Pero ang isang problema dito ay hindi lahat ng pamilya ay makakadalo dahil sa kanilang sariling rason. Kaya naiiwan ang ibang batang malungkot dahil hindi kumpleto ang pamilya niya na magdiwang ng ganitong kaganapan. Ang isipan kasi ng mga magulang ay kailangan nilang magtrabaho ng maaigi para sa anak nila  na hindi man lang alam nila ang nararamdaman ng kanilang anak na nakakaranas na hindi sila kunpleto sa isang kaganapan sa paaralan na tungkol sa pamilya

           Sa huli ang pamilya dapat ay ang unahin sa lahat ng aspeto sa mundo. Sapagkat sila lang ang taong hindi ka iiwan kahit buto't balat kana sa paghihirap. Pero minsan kasi, hindi nila nakikita ng isang taon ang importansya ng isang tao at nakikita lamang ito pag ito'y wala na.
 .

Monday, January 20, 2020

CAT Camping: Walang Paghihinayang

         
     Kung marunong kang mabuhay ng mag isa sa sarili mong mga paa, wala kang hindi kayang lampasan sa buhay kahit gaano pa iyan kahirap. Habang tayo na ay lumalaki may mga pangyayari sa ating buhay na minsan lang kumakatok sa ating mga pintuan. Kapag sinagot ito, may posibilidad na magkakaroon ka ng memoryang na hinding-hindi mo na malilimutan. Kailangan tayong sumabay sa daloy ng buhay at hindi lamang nakatayo sa gilid nito. Kung ang daloy ng iyong buhay ay nakikita mong dinadaanan ka lang,ibi-sabihin  marami kang karanasang hindi nasubukan ngunit nariringgan mo na lang sa ibang tao. Tayong lahat ay maroon lamang isang pagkakataon, ikaw na ang bahalang dumesisyon kung kunin ang pagkakataon, o babaliwalain ito.




          Ang nangyaring CAT camping ay ang pangyayaring nagturo sa akin kung gaano kalupit ang mundo. Una ay, kailangan mong matutuong mabuhay ng mag-isa at hindi dumedepende sa iba. Habang tumatagal ang panahon may iba't-ibang uri ng tao ang aking nakakasalamuha. At ang masasabi ko dito ay ako mismo ang kailangang umangkop para umiwas sa gulo. Lahat naman ng tao ay magkakaiba, kaya't kailangan mong maging mausisa kung paano sila tratratuhin. Napagtanto ko ito habang nakikisalamuha sa iba. At nakita kung paano sila magtauli sa isang pangyayari.

         Ang pangalawa ay walang pagsubok ang buhay na hindi mo kayang lampasan at walang problemang hindi malulutas. Tayong lahat ay may mga pagsubok na nararanasan. Minsan pa nga'y inaakala natin na wala itong sagot. Sa bilis ng panahon ay lahat ng problema ay parang bagyo. Ito ay dumadating, nagbibigay ng delubyo ngunit umaalis. Dahil walang bagyong panghabang-buhay. Sa camping naman, ang mga laro ay medyo mahirap dahil sinusubukan nito ang aking pasensya. May mga estasyon kaya kong lampasan habang may iba namang medyo mahirap. Pero sa huli, ang lahat ng ito'y nalampasan ko dahil ang pag-iisip ko habang nangyayari ito ay malalampasan ko ito. At sa tulong ng tiyaga, pursigido ay nalampasan ang mga ito,

          Ang pangatlo ay may kasiyahang kayang ibigay ang mga tao na hindi maiibigay ng teknolohiya. Sa panahon ngayon ang mga tao ay hindi kayang mabuhay kung walang teknolohiyang hinahawakan. Parang ang mga ugat nga tao ay dumugtong sa kable ng mga celpon. Sapagkat iba na ang panahon noon at ngayon. Katulad ng pagpunta sa novenna ni Sto. Nino, noon ay mga rosaryo at imahe ang hawak, ngayon kaunti na lang at mga celpon na ang hinahawakan. Minsan pa nga ang iba ay pumupunta sa simbahan dahil kasama ang barkada o hindi kaya't para magyabang. Sa  paraan ng pagbawal ng aming mga celpon sa camping ay mas nakakapagsalamuha kami sa isa't-isa at hagalpakan ang mga tawanan na aking narining at mga bagong pagkakaibigan ang nangyari. Hindi dahil sa celpon kung hindi dahil sa pakikipag-usap ng masinsinan.
                                                                                                
           Ang oportunidad ay minsan lang pero ang memorya ay panghabang-buhay. May mga kaklase akong hindi dumalo kahit ito na ang huling taon na magkakasama kaming lahat dahil pagkatapos nito ay mayroon ng mga sariling landas ng aapakan. Kasali na sa mga oportunidad na hindi kinuha ang mga pagsisisi sa ating mga buhay. Dahil sa panahon ng katandaan, ang mga memorya na lamang ng nakaraan ang mananatili. Kaya ngayon, kunin mo ang lahat ng magagndang oportunidad na kakatok sa iyong mga pintuan.Kaya walang panahon ang dapat palampasin dahil kahit anong gawin mo at hindi na maibabalik ang nakaraan. Kung subalit mawawala ka,  wala ka namang panghihinayang natitira sa mundo.