Monday, January 20, 2020

CAT Camping: Walang Paghihinayang

         
     Kung marunong kang mabuhay ng mag isa sa sarili mong mga paa, wala kang hindi kayang lampasan sa buhay kahit gaano pa iyan kahirap. Habang tayo na ay lumalaki may mga pangyayari sa ating buhay na minsan lang kumakatok sa ating mga pintuan. Kapag sinagot ito, may posibilidad na magkakaroon ka ng memoryang na hinding-hindi mo na malilimutan. Kailangan tayong sumabay sa daloy ng buhay at hindi lamang nakatayo sa gilid nito. Kung ang daloy ng iyong buhay ay nakikita mong dinadaanan ka lang,ibi-sabihin  marami kang karanasang hindi nasubukan ngunit nariringgan mo na lang sa ibang tao. Tayong lahat ay maroon lamang isang pagkakataon, ikaw na ang bahalang dumesisyon kung kunin ang pagkakataon, o babaliwalain ito.




          Ang nangyaring CAT camping ay ang pangyayaring nagturo sa akin kung gaano kalupit ang mundo. Una ay, kailangan mong matutuong mabuhay ng mag-isa at hindi dumedepende sa iba. Habang tumatagal ang panahon may iba't-ibang uri ng tao ang aking nakakasalamuha. At ang masasabi ko dito ay ako mismo ang kailangang umangkop para umiwas sa gulo. Lahat naman ng tao ay magkakaiba, kaya't kailangan mong maging mausisa kung paano sila tratratuhin. Napagtanto ko ito habang nakikisalamuha sa iba. At nakita kung paano sila magtauli sa isang pangyayari.

         Ang pangalawa ay walang pagsubok ang buhay na hindi mo kayang lampasan at walang problemang hindi malulutas. Tayong lahat ay may mga pagsubok na nararanasan. Minsan pa nga'y inaakala natin na wala itong sagot. Sa bilis ng panahon ay lahat ng problema ay parang bagyo. Ito ay dumadating, nagbibigay ng delubyo ngunit umaalis. Dahil walang bagyong panghabang-buhay. Sa camping naman, ang mga laro ay medyo mahirap dahil sinusubukan nito ang aking pasensya. May mga estasyon kaya kong lampasan habang may iba namang medyo mahirap. Pero sa huli, ang lahat ng ito'y nalampasan ko dahil ang pag-iisip ko habang nangyayari ito ay malalampasan ko ito. At sa tulong ng tiyaga, pursigido ay nalampasan ang mga ito,

          Ang pangatlo ay may kasiyahang kayang ibigay ang mga tao na hindi maiibigay ng teknolohiya. Sa panahon ngayon ang mga tao ay hindi kayang mabuhay kung walang teknolohiyang hinahawakan. Parang ang mga ugat nga tao ay dumugtong sa kable ng mga celpon. Sapagkat iba na ang panahon noon at ngayon. Katulad ng pagpunta sa novenna ni Sto. Nino, noon ay mga rosaryo at imahe ang hawak, ngayon kaunti na lang at mga celpon na ang hinahawakan. Minsan pa nga ang iba ay pumupunta sa simbahan dahil kasama ang barkada o hindi kaya't para magyabang. Sa  paraan ng pagbawal ng aming mga celpon sa camping ay mas nakakapagsalamuha kami sa isa't-isa at hagalpakan ang mga tawanan na aking narining at mga bagong pagkakaibigan ang nangyari. Hindi dahil sa celpon kung hindi dahil sa pakikipag-usap ng masinsinan.
                                                                                                
           Ang oportunidad ay minsan lang pero ang memorya ay panghabang-buhay. May mga kaklase akong hindi dumalo kahit ito na ang huling taon na magkakasama kaming lahat dahil pagkatapos nito ay mayroon ng mga sariling landas ng aapakan. Kasali na sa mga oportunidad na hindi kinuha ang mga pagsisisi sa ating mga buhay. Dahil sa panahon ng katandaan, ang mga memorya na lamang ng nakaraan ang mananatili. Kaya ngayon, kunin mo ang lahat ng magagndang oportunidad na kakatok sa iyong mga pintuan.Kaya walang panahon ang dapat palampasin dahil kahit anong gawin mo at hindi na maibabalik ang nakaraan. Kung subalit mawawala ka,  wala ka namang panghihinayang natitira sa mundo.

No comments:

Post a Comment