Saturday, December 14, 2019

Bakit Nanghuhusga Tayo sa Ating Kapwa




Paghuhusga: Ang Pag-iisip

Image result for pics people judging hd"

Ang paghuhusga sa kapwa ay kaugalian ng ginagawa ng karamihan.  Hinuhusgahan ka sa iyong pananamit, desisyon at iba pa na hindi man lang nila inaalam ang mga rason sa mga ito.  Hindi lang sa palihim na paghuhusga ang ginagawa ng iba kung hindi may mga pagkakataon na dinadaan na ito sa social media kung saan libo-libong tao ang nakasaksi sa nangyayari. Ang nakasama pa dito, ay sa halip na isatigil ito, nakikisali pa sila.

Ang dahilan ng paghuhusga ay base sa  mga mata ng tao, para sa kanila, ang buhay ay tungkol sa palamangan ng lahat. Binababaan nila ang tingin sa isang tao sa akalang aangat sila sa paningin ng iba.  Ang saklap pa dito ay nakakaapekto ito sa taong hinuhusgahan na minsa'y humaantong sa pagbaba ng kanilang pananaw sa kanilang mga sarili.  Sa mundong nilalakaran natin ngayon, ang pag-iisip ng karamihan ay kailangan mong maghusga bago ka mahusgahan.  Hindi ka tanggap kung hindi ka pasok sa batayan ng salitang "perpekto" sa kanilang pananaw na kaya minsa'y binabago mo ang iyong sarili para lamang hindi mahusgan ang tunay na ikaw.

Sa huli, walang taong perpekto. Tayong lahat ay may masasabi sa ating kapwa. Sana ang mga salitang ito ay maganda at nakakatulong sa kanila at hindi mga salitang nagpapalubog sa kanilang pagttiiwala sa kanilang sarili. Karamihan kasi ang pangit ng pag-iisip at pag-iintindi ng sitwasyon. Kung saan dapat alamin muna ang kuwento, ay tayo pa ang nagbibigay ng konklusyon sa kanila.   Kaya sa susunod na manghusga ka, sigurdahin mo muna na isa kang perpektong nilalang.

No comments:

Post a Comment